may mga nagsasabi, ilunod ko nalang daw sa beer ang problema... meron ding mga nagsasabi, itulog ko nalang...meron pang mga nagsasabi, kalimutan mo nalang...
sana madali. kasama ko si kuya kanina. wala lang kain lang sa dencio's kwento kwento kasama isang kaibigan niya. parang namulat nanaman ako sa isang 'katotohanan' na nagsasabing ako daw talaga ang may kasalanan ng lahat. kung hindi ako napanganak, e di wala na, masaya na siguro sila. source lang kasi ako ng stress tsaka gastos eh, dba?
may magsasabing ito ang pagtakas ko sa realidad, pero pucha, kung ganito ang realidad na ginagalawan mo, gugustuhin mo ring tumalikod nalang at isiping sana wala ka dito o basta ganon. narito nga ako, nararamdaman ko naman ang simpleng pagkakahon sa akin ng buhay. wala naman akong angal sa mga limitasyon ng buhay pero minsan, kung lumalabas na ikaw na ang may kasalanan ng lahat, sadyang nakakapagod.
sabihin na nating hindi nga kasalanan, gawin na natin na ikaw ang pag-asa ng lahat, mas lalo pang mahirap. isang mali lang, wala na. parang gumuho na ang buong mundo. bakit nga hindi pa? pagod na ako. sabi nila hindi daw magbibigay ang Diyos ng bagay na di mo kakayanin - oo nga kaya nga siguro buhay pa ako ngayon, ang bigat ng pakiramdam at nakakapag-type pa sa blog ko. nabangga ang precious van ng nanay ko kanina, nakakatuwa kasi sa akin tumawag yung katulong namin at secretary kung ok lang ba daw siya... parang ako, namanhid na. but pa sila naging concerned, ako parang wala nang pake. matagal na ata akong sumuko.
minsan, sa ganitong panahon iisipin mo, may diyos ba talaga? pinag-tritripan nanaman ba ako? ewan ko ba. basta alam ko lang ngayon, ako ang may kasalanan ng lahat. lahat nalang, kahit mga simpleng bagay ay ako ang may kasalanan. pasan ko ang responsibilidad na dapat naman ay hindi akin..ewan..basta dahil nagkamali na sila, di na pwede... kung wala ako, wala nang extra gastos at responsibilidad..simple.. ewan. sana di nalang ako pinanganak.
pagod na ko.
No comments:
Post a Comment