Wednesday, June 29, 2005

pabago-bagong pangarap

noong bata ka, bibigyan ka ng papel ng iyong guro, at isusulat sa pisara, 'iguhit kung ano ang gusto mong maging paglaki mo...' tandang-tanda ko pa noon, guguhit ako ng isang stick figure tapos may pisara sa likod. sasabihin kong gusto kong maging guro. ewan ko kung ginawa ko ito para matuwa yung mga guro ko (kung natuwa man talaga sila) o dahil gusto ko talaga yon. o baka naman yon lang alam kong iguhit, di talaga ganoon kalinaw sa akin. pero dahil nga iyon at iyon lang rin ang aking iginuhit, iyon ang aking nagsilbing pangarap, maging isang guro imbes na maging isang bumbero, pulis at kung ano pa.

nang natapos na ang mga taon ng pagguhit at pumasok naman at panahon ng pagsulat, nagbago ang aking pangarap, o siguro natutunan ko lang kung paano baybayin ang salitang "businesswoman" at iyon lang ang isinusulat ko sa tabi ng "AMBITION:______" sa hindi na mabilang na autograph book ng aking mga kaibigan habang ang iba naman ay iniisip maging doktor, abogado at kung ano...

naisip ko lang ngayon, bakit sa panahon na iyon, hindi ko lubos matulak ang sarili kong isulat na nais kong maging guro...naging pangarap ko nga ba?

tumagal din ang panahon ng mga autograph book, pero natapos din naman. habang tumatagal ang panahon, dumadami ang mga natutunan...lumabas ang mga computer at nangarap akong maging isa computer engineer o kung mayroon ba talagang computer scientist, yon ang inisip kong gawin habang buhay...pero nawala din ang hilig, lumipas...tulad ng pangarap maging isang guro at ang hilig na maging isang negosyante. unti-unting nagbabago, sa matiyagang paghubog ng panahon...

matapos ang lahat, late bloomer ata ako, naisip ko namang mag communications para maging abogado o kaya journalist ako sa future, pinagsawaang pangarap ng aking mga kaibigan sa mga slum book, bigla lang naging akin...iyon yung mga panahon na naisip ko na magagamit ko ang aking pagiging madaldal at ang aking hilig sa pagsulat..pero tulad ng ibang pangarap, lumipad rin.

parang wala na ata akong patutunguhan iniisip ko non...

dating ang panahon ng pagpili ng kurso, diyos ko, ang dami...minsan naalala ko ang mga kaibigan kong alam na alam na kung ano ang gusto nilang gawin sa mga buhay nila. yung iba, no doubt accounting na, may iba naman no doubt management...

and at the back of my mind, ang iniisip ko lang, 'lang ya, ano kaya?' siguro ang isa sa pinakagusto ko noong high school ako ay iyong pangarap kong maging BIR o kaya customs commissioner...diba ang saya non?

tumigil ata ang magic wheel of fortune sa kursong psychology kaya eto ako ngayon. pero sa totoo long, naging pangarap kong makatapos ng kursong ito kasi napakalawak niya, sabi ko nga lagi it can contain me... sa mag-aapat na taon ko dito, ang dami ko nang naging pangarap...

gusto kong mag SPED para makatulong sa mga special kids pero may takot ako, kaya parang inaatrasan ko nanaman. gusto kong maging clinical psychologist specialize sana sa mga bata kasi gusto kong makatulong, pero parang nawawala din...gusto kong maging HR personnel para kahit papaano sabak ulit sa corporate, kaso nung summer gusto ko na rin yung trabaho ko sa BCD na DM, sort of advertising marketing...pero ngayon, bigla naman naging pangarap ulit maging neuropsychologist kasi malapit sa akin yung topic ng neuro...ewan. ang dami lang talaga...

oo nga, balak ko pang mag NMAT sa december, malay mo, biglang mag med school, maging doktor...

ang daming pangarap na dumating at umalis na...pero eto paren, patuloy na nagbabago ang gusto, san kaya ako matatapat? san kaya muna magpapahinga ang mundo ng pangarap?

:)

1 comment:

A said...

Cha!!! Not Filipino!! It'll take me years to finish reading your post.. =( Haha, I am almost illiterate when it comes to Fil. Sad. LSS ako sa "ASGGGGGGGGG" song.