matagal nang tanga...laging mali...hindi ako yung tipong taong makakacomfort sayo pag hiningi mo...hindi ako yung kayang sumunod o maisip ka o kung ano man. sabi nga ng isang matalik na kaibigan, wala raw akong puso. pero sino bang magkakaroon ng puso kung ganon ang pamilya mo? mahal ko sila, tangina, oo, kahit wala akong puso, mahal ko sila. Yung wala ka lang magagawa kasi nandiyan eh. Ako daw yung laging self-seeking, gusto ko lang isipin na hindi ako ganoon ka sacrificial. Sasagipin ko ang sarili ko kasi kelangan eh, ayoko bumagsak tulad nilang lahat. Ayoko bumagsak kasi inaasahan din naman nila akong di ako bumagsak. Kaya sige lang lipad, pahinga sandali tapos lilipad nanaman. Nakakapagod, hindi lang siguro nila alam yon. Yung tipong ikaw ang nasa dulo, wala nang pag-asa, tapos aasahan ka. Oo, wala akong puso, hindi ba yon naman ang nais nyo? Na matuwa lang sa kung anong gusto niyo, at hayaan ko nalang ang sarili ko... Tangina, ayaw ko nang mangyare yon. Plastikan nalang, lagi na...Nakakapagod...Pero kahit ganito, mahal ko parin sila, pucha, pamilya eh.
Minsan naisip ko kung may patutunguhan ba ako sa buhay dahil sa kung anu-ano nalang ang ginagawa nila sa buhay ko. Kung noon, sige na lang ng sige, tanggap nalang tanggap, parang ngayon, ayaw ko na. ewan. ewan. ewan.
suko na talaga ako, sabagay, hindi naman importante sa kanila, di na naman nila ako maaasahan. sabi nga kasi, makasarili daw ako.
cge, paalam.
1 comment:
ngayon lang ako ulit napadaan sa site mo,parang malungkot itong sinulat mo o hindi pala parang, di ko din sasabihin na alam ko kung ano and nararamdaman mo or dinadanas mo, pero gusto ko sana na wag mo isipin na ff:
1.TANGA KA--dahil hindi (matalino ka)
2.na WALA KANG PUSO-dahil meron ka (may mahal ka eh. ex.gaya ng pamilya mo:) )
3.WALANG PAG ASA-dahil meron laging pag asa habang tayo ay nabubuhay:)CHAKA MAY TUBIG NAMAN SA INYO EH JOKE! HEHE
4.na wala kang PATUTUNGUHAN-dahil meron kang mga pangarap (ito ang mag sisilbing gabay sayo at mag tutulak na abutin ito)
5.at lalu na ito wag na wag mo iisipin ito...na MAKASARILI KA, -dahil alam ko at alam ng ibang tao at alam din ng Dyos na hindi ka makasarili:)
isang yakap galing sa isang matalik na kaibigan kahit di mo nakikita at di nag paparamdam....kilala mo na kung sino ako:)
anong animal ang laging nauumpog:)=Dog po :)maganda ka lalo na kapag naka ngiti:)
Post a Comment