Noong isang ara, ibinalak kong magsulat tungkol sa mga dilaw - tulad ko dilaw, pero sa mata ng mas matatanda ako'y hilaw na dilaw.
Akala ng nakakarami na kami'y mayaman - mga prinsipe't prinsesa na walang alam kundi mang-abuso't mang-utos. Di ba nila alam na pambili nga lang ng toothpaste ay wala kami? Nakakahiya, ano ba naman yan?
Swerte pa ako kung ihahambing sa ibang tao. May matitirahan naman kasi ako, may nakakain pa naman, kahit minsan di mo na alam kung san na nanggagaling ang ipinambabaon sayo. Nakakabaliw. Pero hindi naman yan ang usapan ngayon. Gusto ko lang talaga pagusapan ang dilaw o un nga ba? Ginawa tayong iba iba ng Diyos, ano man ang tawag niyo sa Kanya ay hindi ko alam pero isa lang rin naman kami sa maraming lipi ng tao sa mundong to noh. Ano ba ang nagpapaiba sa amin? What makes us so different? Ayun, diba? ang drama na ata nito corny to death. coño pa ng dateng. bwiset.
Dahil lang ba iba ang kulay natin?
Bakit nga ba pumasok ang yaman kapag nikikita niyo kaming mga "Chekwa't Instik"? Dahil ba malapit ang kulay namin sa ginto o dahil lang sa pag-unlad nila Lucio Tan at Henry Sy at kung sino pang singkit na tulad ko sa bansa?
Di naman lahat kami anak nila para kidnappin at patayin. Diyos, ko, don't tell me hindi niyo alam yon ha??
Wala naman akong galit sa totoo lang, wala talaga. Pero bakit parang ikaw, oo? Ano ba ang ginawa ng dilaw sa iyo? Yellow just aint your color? Hay...ako rin ata eh kaya puro blue nalang ang suot ko - kulay atenista....
Sa simbahan, ang turo'y tayong lahat daw ay anak ng Diyos, magkapatid sa kabila ng lahi, kulay, atbp. Isa lang ang ating Diyos, or siguro sa akin, isa lang. Isa lang ang pinanggalingan - abo, hindi ba?
E bakit ganon? Walang katuturan naman ang lahat ng sinabi ko noh? Diliryo lang siguro. Ang tagal kasi ng sundo ko.
Ano ang punto ko? Di naman tungkol talaga sa kahit anong kulay o pagtingin...
Wala lang talaga kasing pambili ng toothpaste kahapon.
No comments:
Post a Comment