Tuesday, June 08, 2004

Naghihintay

Naghihintay ako sa isang panahon kung kailan siguro maaaring maging totoong libre - yung tipong nararamdaman mong wala kang tali sa leeg at hinihila na tila isang alagang aso.

Malabo akong kausap. Kanina, nung nagcoconnect palang ako, hindi naman ito ang nais kong isulat at ipabasa sa inyo kung ito man ang ay inyo pang madatnan. Siguro sa dulo ng blog na ito, hindi na nakasulat sa Filipino ang inyong mababasa, wala akong pakialam, masa ang pakiramdam ko.

May mga panahong nais ko na lamang sumuko. Yung tipong gusto ko nalang magwala, o kaya yung ayaw mo na mabuhay sa realidad na araw araw e, alam mong aapihin ka nalang. Sasabihin ng iba, "basta mahanap mo si Lord, ayos na." Alam ko naman yon eh, bitter as I am, alam ko yon at alam kong naniniwala rin naman ako, kahit papaano. Mahal ako ng Diyos ko kaya nga narito pa ako at nagsisikap na maintindihan at magpaintindi sa tao. Gusto ko kasi makita nila ang ginagawa sa akin ng Panginoon pero ... ewan ko ba failure na ata ako. Isang lagpak at hamak na estudyanteng hindi alam kung papasa o pumasa na ba...

Malabo. Naghihintay ako ngayon. Saan? May magsasabing naghihintay ako sa wala. Wala nga ba? Kung tatanungin niyo ako ulit, marami akong hinihintay. Oras, marahil. Pero bakit ko hihintayin ang laging nariyan at laging tumatakbo? Malabo, Malabo kang psycho, siguro iniisip niyo. Tama, alam ko naman yon eh. Sus. Di pa naman ako tanga kahit baliw ako noh.

Marami akong problema pero pag nakakita ako ng ibang tao TALAGANG may problema, nagiging butil ng bigas nalang ang mga pangangamba ko't suliranin sa buhay. Pero, siguro nga, to each his own, hindi ba?

Sa mga araw na ito, nag-iisip ako. Pero sa totoo lang, ayoko na ngang mag-isip. Nakakaloka kasi yun eh. Yung tipong isip ka ng isip eh, leche, wala rin namang patutunguhan. Gusto ko maging "own person" ko pero lagi nalang mayroong mga impluwensiyang hindi mo maiwasan, hindi mo matanggihan dahil ano..eh ewan, mahal mo sila at ayaw mong makasakit tapos prinsipyo mo yung ayaw mong makasakit.

Alang hiya, life is a vicious cycle...but then again, sino ba tayo para maghusga kung ano dapat ang buhay diba? E sabi nga ng iba, standards lang naman yon - tao lang rin ang gumawa...problema, tao rin ang narito sa mundo na sumusunod at "umiintindi" ng mga lintik na standards na yan.

Ewan. Kelan pa ba mangyayari yung sinasabi ng AIESEC na "peace and fulfillment of mankind's potential"? Idealistic pero I chose to stay kasi kahit papaano may ideals, hindi ba? Malabo ang mundo.

Maghihintay nalang siguro ako...ng milagro. After all, I believe in God. E ikaw?

No comments: