Sunday, July 25, 2004

boxing

 
Sabi ng tito ko, dapat daw, magaling ako sa boxing.  Anlabo talaga.  Akala mo naman kailangan ko talaga sumapak ng tao.  E ang liit liit ko.

Sabi niya, magaling ka na daw mag-boxing kapag nakakasapak ka kahit na natatamaan ka ng kalaban mo...Pero ang gusto niyang matutunan ko?  Umilag.  Umiwas.  Kailangan ko raw matutong umiwas kasi dun lang daw talaga ako totoong magiging magaling.  Oo, pinariringgan niya ako.  Nandito kasi siya ngayon, ginawa siyang mediator ng nanay ko.  Malapit na kasi palayasin ang kuya ko sa bahay, ako naman daw pag di pang natutong umilag, baka ganon na rin.  Nakakasakit pa kasi sinabi pa talagang inaasahan ako diba?

Sino bang nagsabing asahan nila ako in the first place?  Yung ate ko, binigyan ako ng sermon kahapon.  Ok lang, naiintindihan ko naman punto niya.  Kaya nagpapasalamat naman ako.  Gusto ko lang sabihin sa kanya na well-aware naman ako sa mga sinasabi niya.  Struggle ko rin yon.  Ayaw ko lang talagang sabihin na sa kanila kasi ginugulo lang nila ang utak ko.  Oo, kapamilya ko sila pero hindi ba?  Buhay ko rin to?  Kuya ko naman sasabihing ako ang magiging "glue" ng pamilya ko... Saya talaga, sana pinangalanan nalang nila akong Elmer.  Ang nanay ko, inaasahang mabait ako, masunurin, hindi na magkakamali... Mas magaling daw kasi ako...Pucha, tao rin naman ako ah.  Kahon na kahon na ko.  Cornered na ko sa kanto ng maliit na black box ko.  Ni hindi pa nga ako makaisip out of it, selyado na.  No way out.

Naisip ko, mahilig kong suntukin mga guy friends ko.  Haha, babalik nanaman ako sa boxing.  Oras ko na ba umilag? Sinusubukan ko naman eh. Pero sadyang natatamaan parin.  At minsan, masarap matamaan, magkapasa...minsan naman nakakamatay rin.

 

No comments: