Gusto ko pa matulog
Pero baka ma-late ako
Gusto ko pa maligo
Pero baka maubos ang tubig
Gusto ko pa kumain
Pero baka tumaba ako
Gusto ko pa tumambay
Pero kelangan ko pang mag-check ng attendance
Gusto ko pa ng chocolate shake
Pero kelangan ng pumasok sa Philo
Gusto ko pa magreview
Pero wala ng oras
Gusto ko pa palitan ang sagot ko
Pero wala na ring papel
Gusto ko pa maghintay at magseminar
Pero nandyan na ang sundo ko
Gusto ko pa manuod ng Cat in the Hat
Pero may makulit na nasa gate namen
Gusto ko pa magliwaliw at magpakasaya
Pero marami pang dapat ayusin
Gusto ko pa basahin yung susunod na Chapter sa Genesis
Pero hanggang five lang daw muna
Gusto ko matapos ang paper ko sa I/O
Pero inaantok na ako
Gusto ko pa magkwento
Pero wala namang makikinig
Gusto Gusto
Marami akong gusto
E ikaw?
No comments:
Post a Comment