Sunday, September 05, 2004

still collecting my tots

Nagkwekwentuhan kami ng kapatid ko kanina habang pauwi. Napag-usapan namin ang mga first love. May isang bata kasi na nagkwento sa kin na sabi daw sa kanya ng tatay niya, 'anak, swerte ka na kapag naging first love ka ng isang lalaki' so tinanong ko ang kuya ko out of curiosity...Pero, ang sagot lang niya, hindi niya alam kung sino ang first love niya or parang sinagot niya sakin, lahat ata ng naging girl niya, first love niya. asteggg. haha wala lang. tapos, binato niya pabalik sa kin yung tanong, inisa-isa niya yung pangalan ng mga taong alam niyang 'na-link' sakin, ngumiti nalang ako. :)

Kanina sa simbahan yung message nung pastor tungkol sa "loving each other deeply" hindi lang naman ito nag-aapply sa mga mag-syota (ay magkasintahan pala) pero para daw sa lahat. Sabi niya there are two kinds of love that exist in this world..
  1. worldly love - this i the love where you want to TAKE whatever the person you love owns.
  2. bible's love - also termed sacrificial love, eto naman yung love kung saan you want to GIVE everything you have

Ibang klase rin. Parang ang dali dali kasing sabihin kung ano yung gusto nating matamo diba? Pero sobra naman talagang hirap gawin. Maraming tao diyan sinusubukan bigyan ng operational definition (too much expe psych) ang love, yung iba halos maubos na buong buhay nila hindi pa makuha-kuha...pero sadyang ganoon naman ata, hindi naman kasi dapat makuha lahat... parang philo lecture ata. hahaha ginagawa daw kase yun.

Special mention kay nats kasi kung amabot sha sa part na to, masakit na ang tiyan niya sa kakatawa. Pero basta yun...maraming issue tungkol sa love kasi ngayon sa simbahan namin. Magulo yung mga tao. Pumasok na kasi ang politika. Grabe, masaklap pa don, ang feeling mo, mali kayo...tipong mag-iisip ka, "teka, bakit ang dami nila, hindi kaya kami ang mali?" kaya nga siguro yun yung message kanina..Parang sabi nung pastor, subukan mo nalang love yung tao sa tabi mo kasi forever mo naman magiging brother or sister yun in Christ...meron kayong common factor yada yada yada and if you cant love each other daw it just means that there is sin amidst you... totoo nga...pero pano muna natin tatanggalin ang pulitika na bumabalot dito? Tagal ko nang inisip lilipat ako ng simbahan pero ano pang use dba? Kahit saan ka naman lumipat magiging ganon parin in the end. Lagi may intriga. Hay.

Pause muna.

Happy Birthday Abi Chen. :)

Ok, Change topic. Mamaya na ulit. Have to collect my thoughts. :D

1 comment:

Anonymous said...

Cha,

Love nanaman to? What the hell? HAHAHAH! When you say LAHAT ng na-link sa iyo, do you actually mean LAHAT?! Pati na ang pinakamagiting kong kaibigan na si _ _ _ _ _ _ ? Hehehehe, as far as I know, more or less pareho problema ninyo although of course less violent yung mga circumstances ng problema nya. Sige, ingat ka parati!

Raffy