Tuesday, June 07, 2005

hayunnn...

Tapos na ang pagluto ng chicken lollipops. masaya naman. halos tatlong oras na pagtanggal ng buto ng pakpak ng manok at pagprito nito. Halos magkaroon pa ng peklat habang buhay dahil di sinasadyang natapunan ng mantika ng katabi kong nagpriprito rin. Ganyan talaga ang buahy...

Parang naiisip ko, kailangan kong mag-isip ng kung anong "profound" na bagay para maisulat dito at maibahagi sa inyo, (kung may nagbabasa man) pero ngayon, wala, blanko, gusto ko lang maglabas ng kung ano man tong nararamdaman ko.

Madalas akong magalit sa mga panahong ito, di na rin namang masasabing dahil sa init ng araw kasi nga bumabagyo na dito sa pinas (palibhasa uuwi na kasi si jim) basta lang, mainit ang ulo sa lahat ng nasasalubong o siguro more specifically sa mga taong sinusubukan pangaralan ako, at pwede na rin sa mga taong nakita ka palang ay nakasimangot na sayo (kahit wala kang ginagawa, HONEST) Feeling ko nga sa dalas ng pag-init ng ulo ko, nagiging halimaw na ko.

Sa katotohanan, gusto ko lang namang magpakatahimik, kahit sandali lang. Parang, ang sarap sabihin, "teka, gagalaw lang muna ako sa mundo ko..." Nakakabobo din kasi minsan makipagsabayan sa mga tao. Kaso sabi ng iba, hindi ko naman daw talagang kayang tumahimik (hay, point taken) ...

Sa ngayon, parang punung-puno lang yung utak ko. Pero kung tanungin mo ko kung anong laman, di ko rin masasagot. Kasi basta alam mo lang marami, pero di mo masagot kasi kung sabihin mo pa, di rin naman magegets ng ibang tao kung bakit mo iniisip yung mga bagay-bagay na yon. Ngayon, alam ko na yung feeling ng taong tinatanong ko, "what's bothering you?" Humihingi po ako ng paumanhin...dahil ngayon alam ko na kahit tanungin ko sa sarili ko, "what's bothering you?" ako mismo, ayaw kong sagutin yung sarili ko... It's like "alam mo naman, so there's no point in telling you..." anlabo talaga.

Nung isang araw, wala lang gusto ko lang ikwento, nagpalit ako ng casing ng telepono... from the original (full of scratches) white to a transluscent pink na narealize ko nung madilim na sa kwarto eh, glow in the dark pala sha. alang ya. ngayon, my glow in the dark phone keeps me company whenever i cant sleep. In other words, kasama ko ang aking telepono sa pagmumuni-muni. wehehehehe

Kagabi, naisip ko, sana, imbes na nag-aaway lang kami lagi ng isang tao, nakabuo na siguro kami ng jigsaw puzzle. Gusto ko kasi maexperience yung makabuo ng jigsaw puzzle...

ala lang...mashado lang sigurong maraming gusto.

1 comment:

peppericious said...

uwi na koooooo... magiging day after tomorrow na ang manila lol