Friday, November 24, 2006

Pampalipas Oras

Minsan akala mo, simpleng laro lang.

"Tara, patintero tayo, touch-taya, cops and robbers..." o kung anu-ano pa. Ni hindi ko nga lubos na masigurado kung alam pa ng mga bata yung mga larong yan. Napaglipasan na ata ako ng panahon.

Noong isang araw lang, may kasama akong mga kaibigan. Kinukwento nya sa akin yung pinsan niyang nakita ko nung bata pa siya. Ngayon 14 na, may nalalaman nang mga EB, EB sa mga chatroom. Matanda na ako. Pero mas matanda parin si ate, si kuya, si nanay at si Lord.

Hindi simple ang buhay. Kahit gustuhin mo pa man na gigising ka lang sa umaga, magtotoothbrush, maliligo, maghihilamos, magbibihis at gagawa ng kung anu-anong bagay ang nasa agenda mo, maraming nangyayari. Maaaring mawalan ng sabon, toothpaste, shampoo, magkaroon ng kaagaw ng sasakyan na jeep.. Lahat.

Maraming pwedeng mangyari.

May isang bagay na pinasok ko na akala ko laro-laro lang. Pampalipas oras lang sana. Pero ayon, may nangyare. Simple lang naman nangyare eh. Nag-enjoy ako sa paglalaro. And I thought it was real life. Lintik na sa pagka-inarte naman ng blog entry na to! ano ba yon! :p

So hanggang ngayon, ganon paren. Laro. Like it was real life. Or maybe now, ito nga ang real life.

Sa buhay, maraming pwedeng mangyari.

Tulad nito.

Di na ko tumigil sa pagpalipas ng oras.

4 comments:

Anonymous said...

Hi people
I do not know what to give for Christmas of the to friends, advise something ....

Anonymous said...

Hello. Good day
Who listens to what music?
I Love songs Justin Timberlake and Paris Hilton

Anonymous said...

Greetings!...
- www.blogger.com u
samsung ringtone
motorola ringtone
sony ericsson ringtone
nokia ringtone

Anonymous said...

It is the best work, which I ever ve seen Everything is so harmonious, that even such aggressive critic as I would not be desirable to change anything!
- www.blogger.com h
spaghetti alla carbonara